Latest Entry
Written by admin from http://litratongpinoy.com on July 9th, 2008 | 12 Comments |
IMBITASYON PARA SA LAHAT NG L.P. MIYEMBRO: PILIPINAS EB / PHOTO OP!
AUGUST 9, 2008 (Saturday)
DESTINATION: INTRAMUROS + RIZAL PARK
* 10AM - FORT SANTIAGO (exact meeting spot to be announced)
INTRODUCTION + LUNCH + CHIKAHAN + PHOTO OP
* 5PM - RIZAL PARK
Kung nais po ninyo ang picknick, pwede pong bumili na lang tayo ng pagkain sa ating madaraan o kung complete cozy dinner pwede din po siguro sa ‘harbor view’ (o magbigay pa kayo ng suhestyon) + PHOTO OP + bago po tayo maghiwa-hiwala ay bubunot po ako ng 2 pangalan upang bigyan ng munting regalo (talagang munti lang po) ..My way of saying Thank You, for joining L.P.
LINKS:
INTRAMUROS, THE WALLED CITY
HARBOR VIEW
MAP
WHAT TO BRING:
- camera
- umbrella
- fan (pamaypay)
- money (for entrance/food)
- bottled water?
- and wear comfortable shoes
——————————————————————-
JOINING:
- LP
- Lino
- iRonnie
- Buge (interested, but still has to clear her schedule)
- ShutterHappyJenn
- Sashasays
- Jeanny and husband
- Pinky
- Clicking Away
- Komski
- Angela
huwag po mag atubuling magpalista! :=)
Malapit-lapit na kaya SUMALI NA KAYO!
12 Comments | :
nina admin scart betchay Lizeth peterahon Tere {Blessings in Life} Jeanny komski kuno I Set No Corner Angela (fotorista)
Written by admin from http://litratongpinoy.com on July 2nd, 2008 | 84 Comments |
Magandang Huwebes sa inyong lahat, mga kapatid na L.P.! Sa mga gising pa at talagang hinihintay ang pagsisimula ng Litratong Pinoy tuwing Huwebes, nakakatuwang makita kayo sa ganitong oras dito sa Litratong Pinoy. Nakakailang tasa ng kape na ba kayo? ;) Sa mga miyembro po natin na nag-aantabay sa iba’t ibang parte ng mundo, kumusta na kayo?!
Inihahandog po sa INYONG LAHAT ng Litratong Pinoy ang mga katagang nakatala sa T-shirt (nasa larawan) na ito.

Kailan mo huling sinabihan ng ‘Ay Lab Yu’ ang mga mahal mo sa buhay?
Umpisahan na po natin ang kasayahan, huwag kalimutan dalawin ang iyong mga kapatid na L.P.!!
84 Comments | :
Em Dy betchay Pinky mousey adinille julie peterahon Dr Emer Thesserie teys jerome aka bridget jones kiwi.pino G_mirage Clicking Away ces Aggie Reflexes MegaMom farah pining Joy ShutterHappyJenn lino Surfergirl carol bustos-santiago Willa abby fortuitous faery ayen ettey ana pb Tere {Blessings in Life} jennyL Mitch maver anj ibyang strawberrygurl lidie luna miranda Eds butchay Munchkin Mommy kathycot architect Cookie sunshine Lizeth iska ner peachy korky Jeanny Meeya mommy vanj Grey Marites JO stripeATyellow evi emoterang nurse kathycot iris tque95 Litratong Pinoy 0827 » Tatak Pinoy » Chronicles of Kotsengkuba MommyBa rose KD komski kuno colby Ely Dyes
Written by admin from http://litratongpinoy.com on June 25th, 2008 | 74 Comments |
“Ma, baon ko po? Ma-le-late na po ako sa school!”
Bukang bibig naming magkakapatid tuwing umaga kapag kumakaripas ng takbo at halos mahuhuli na sa pagpasok sa eskuelahan. Nang mga panahon na iyun, hindi namin naisip na ang mga magulang namin ay hindi laging may perang iaabot para lamang bigyan kami ng ‘baon.’ May mga pagkakataong kailangan liitan ang baon dahil sa kagipitan. Apat na batang sabay-sabay na nag-aaral ay sadyang mahirap na pasanin kahit na ang 2 magulang ay kapwang may trabaho. ” Magkaroon kami magandang kinabukasan“, tanging nais ng aming mga magulang.

Pribado o pampublikong paaralan, kapwa itong nangangailangan ng salaping pambayad upang mapag-aral ang mga anak. Saan mang dako ng mundo, taon-taon ay ang pagpapa-aral ang pinaghahandaan ng mga magulang sa pamamagitan ng pagsusumikap na kumita ng pambayad sa paaralan.
Sa kasamaang palad ay hindi laging nasusulit ang paghihirap ng mga magulang. Hindi madaling tanggapin na ang iyong anak ay nawalan ng interes sa pag-aaral na konting panahon na lang ay magma-martsa na eto sa entablado upang kunin ang kanyang diploma. O bigla na lamang ito nag-uwi ng nobya na itinanan sa dahilang magkaka-apo ka na. O kaya naman ay napatalsik ng kanyang paaralan sa kadahilanang ito ay matagal ng nagbubulakbol at hindi pumapasok.
Sa kabilang banda, sadyang maraming magulang din ang binigyang ligaya ng kanilang mga anak na nagsikap at nagpakahirap upang makapagtapos ng pag-aaral. Mga anak na nakakaunawa ng paghihirap at sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang kinabukasan.
Pag-aaral. Tanging nais ng mga magulang na idulot sa kanilang mga anak.
Pag-aaral. Katumbas ay hirap at pasakit ng ating mga magulang.
Pag-aaral. Pag-igihan. At sana’y laging pahalagahan.
MAGANDANG HUWEBES SA INYONG LAHAT!!
——————————————————-
Para po sa hindi pa nakakapunta o nagrerehistro sa ating FORUM, i click lamang po ninyo ang dilaw na logo sa ating sidebar para madali itong mapuntahan.
At para din po sa hindi pa nakaka-alam tungkol sa ating Unang Opisyal na L.P. EB/Photo Op sa darating na Agosto 9, 2008, mangyari po lamang na bisitahin ang nakaraang akda or ang ating Forum para sa detalye. Yung mga gustong sumama, MAGPA-LISTA NA PO KAYO NG INYONG MGA PANGALAN!! Maraming Salamat!!
74 Comments | :
Bahchi Em Dy Jeanny betchay Dr Emer ces jerome aka bridget jones peterahon maver komski kuno Clicking Away teys Thesserie kiwi.pino G_mirage adinille iska julie Aggie ShutterHappyJenn Lizeth MegaMom lidie ettey Reflexes ayen Pinky Linnor strawberrygurl scart Walang tao, ikaw na lang. » komski kuno stripeATyellow Agring lino Dyes star Cookie iris kathycot Marites Life's Lessons Surfergirl ibyang ner iRonnie Meeya evi JO alpha farah Mapped Memories Toni KD MommyBa fortuitous faery Junnie Pao haze architect tque95 carol bustos-santiago peachy HiPnCooLMoMMa Mitch rose sunshine korky
Written by admin from http://litratongpinoy.com on June 18th, 2008 | 67 Comments |
Gaya po ng nakikita ninyo, hindi Pinoy ang aking lahok na AMA. Ito po ang ama ng aking kabiyak, 83 taong gulang na po sya.
Tumatayong ina at ama sa aking kabiyak at kapatid nito sa nagdaang dalawang dekada hanggang sa kasalukuyan. Siya ang tipo ng ama na gagawin lahat para sa kanyang mga anak. Kayang kaya ninyang gampanan hindi lamang ang papel ng ama kundi lalo na ng ina. Nuong hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay kanyang ginampanan ang paglalaba, paglilinis ng bahay, pamamalengke, pagluluto, lahat ng trabahong ina at ang mga nabanggit ay normal para sa kanya. Sa aking pagkakaalam, walang pagkakataon na iniwan nya ang kaniyang pamilya simula ng sya ay magkapamilya para lamang sumama sa mga kabarkada na mag ‘relax’ sa pub na normal na ginagawa ng ibang kalalakihan dito. Para sa kanya, pwede kang mag relax na kasama mo ang buong pamilya mo. Kaya ganun na lang ang higpit ng kanyang relasyon sa aking kabiyak.
Nalagpasan ang 2 pandaigdig na digmaan. Nalagpasan ang hirap sa kalooban na mamatayan ng mga mahal sa buhay na higit na nakababata sa kanya. Kasalukuyang nilalabanan nya ang prostate cancer sa pamamagitan ng positibong pananaw pa rin sa buhay. Paminsan-minsan ay nakakaramdam ng pagkalungkot sapagkat hindi na nya magawa ang mga bagay na nagagawa nya nuong sya ay medyo bata pa. Alam nyo bang kung kakayanin nya lang ay araw araw nya ipagluluto ng paboritong pagkain ang aking kabiyak? Paborito kasi nya ang pagluluto.

Hindi man sya Filipino ay paborito naman nyang kainin ay ang ating TAPSILOG o TOCILOG o kombinasyon nito.

Sa aming bahay ay madalas yan ang iniluluto kapag dumadalaw sya. Paborito din nya ang sinigang na baboy, pritong daeng at adobo. Pinoy na pinoy, ano po?
Mabuhay ang mga Ama! Salamat sa inyong pangangalaga sa inyong mga pamilya.
*****************************************************************
Sa mga hindi pa po nakakaalam, ang ating FORUM ay bukas na po at lahat kayo ay inaanyayahan dito. Nasa sidebar po ang button, i-click nyo lang ito para madali mapuntahan.
67 Comments | :
Em Dy betchay adinille Pinky Dr Emer Jeanny peterahon Reflexes maver ces Agring Chrys kiwi.pino iska julie lino Clicking Away Linnor kathy kathycot Surfergirl lidie NONA ettey Lizeth Tere {Blessings in Life} farah Willa Aggie strawberrygurl Pao haze Meeya ShutterHappyJenn ner Dyes stripeATyellow alpha Munchkin Mommy kerslyn Thesserie teys caryl colby korky Marites jerome aka bridget jones vanidosa fortuitous faery rose carol bustos-santiago JO scart vanidosa iris waltz peachy KD watson
Written by admin from http://litratongpinoy.com on June 17th, 2008 | 5 Comments |
Dear L.P. members, we’re happy to announce that our very own FORUM is Up and Running! Kindly click this forum link or the image below for easy access. Sign up and have fun!

L.P. wishes to thank iRonnie for customizing our new WP Theme.
For our members celebrating their birthdays, from now on you may greet them at the Forum. So do not forget to include your birthdays when signing up, for it to show automatically at the bottom of the board.
special mention: L.P. member, Ms. Ces of cesanciano.net/spices recently launched her food photo meme known as LA.PI.S …check out her blog for more information.
SEE YOU AT THE FORUM!
5 Comments | :
ces Meeya Reflexes Agring betchay