LP# 12: ITAY
Written by admin from http://litratongpinoy.com on June 18th, 2008 | 67 CommentsGaya po ng nakikita ninyo, hindi Pinoy ang aking lahok na AMA. Ito po ang ama ng aking kabiyak, 83 taong gulang na po sya.
Tumatayong ina at ama sa aking kabiyak at kapatid nito sa nagdaang dalawang dekada hanggang sa kasalukuyan. Siya ang tipo ng ama na gagawin lahat para sa kanyang mga anak. Kayang kaya ninyang gampanan hindi lamang ang papel ng ama kundi lalo na ng ina. Nuong hindi pa nagsisipag-asawa ang mga anak ay kanyang ginampanan ang paglalaba, paglilinis ng bahay, pamamalengke, pagluluto, lahat ng trabahong ina at ang mga nabanggit ay normal para sa kanya. Sa aking pagkakaalam, walang pagkakataon na iniwan nya ang kaniyang pamilya simula ng sya ay magkapamilya para lamang sumama sa mga kabarkada na mag ‘relax’ sa pub na normal na ginagawa ng ibang kalalakihan dito. Para sa kanya, pwede kang mag relax na kasama mo ang buong pamilya mo. Kaya ganun na lang ang higpit ng kanyang relasyon sa aking kabiyak.
Nalagpasan ang 2 pandaigdig na digmaan. Nalagpasan ang hirap sa kalooban na mamatayan ng mga mahal sa buhay na higit na nakababata sa kanya. Kasalukuyang nilalabanan nya ang prostate cancer sa pamamagitan ng positibong pananaw pa rin sa buhay. Paminsan-minsan ay nakakaramdam ng pagkalungkot sapagkat hindi na nya magawa ang mga bagay na nagagawa nya nuong sya ay medyo bata pa. Alam nyo bang kung kakayanin nya lang ay araw araw nya ipagluluto ng paboritong pagkain ang aking kabiyak? Paborito kasi nya ang pagluluto.

Hindi man sya Filipino ay paborito naman nyang kainin ay ang ating TAPSILOG o TOCILOG o kombinasyon nito.

Sa aming bahay ay madalas yan ang iniluluto kapag dumadalaw sya. Paborito din nya ang sinigang na baboy, pritong daeng at adobo. Pinoy na pinoy, ano po?
Mabuhay ang mga Ama! Salamat sa inyong pangangalaga sa inyong mga pamilya.
*****************************************************************
Sa mga hindi pa po nakakaalam, ang ating FORUM ay bukas na po at lahat kayo ay inaanyayahan dito. Nasa sidebar po ang button, i-click nyo lang ito para madali mapuntahan.






.png)



June 18th, 2008 at 6:06 pm
Yu mga ibang silog, type din nya? Magandang Hwebes!
Em Dy’s last blog post..Para kay Tatay
June 18th, 2008 at 6:07 pm
Magandang Hwebes! Masuwerte tayo at okay ang mga biyenan nating lalaki!
betchay’s last blog post..Litratong Pinoy - Itay
June 18th, 2008 at 6:08 pm
ihandog natin ang buong linggong ito sa mga ama… :) bigla ako nagutom sa lahok mo mahal na admin
June 18th, 2008 at 6:12 pm
Tunay na dakila ang iyong biyenan! Sana ay madami pang lalaki ang sumunod sa kanyang mga yapak…
Pinky’s last blog post..LP #12: Itay
June 18th, 2008 at 6:20 pm
Magandang edad ang 83. Sa aking palagay ay napakarami nya na naipon ng mga salaysay sa buhay. Mabuhay ang iyong Itay!
Ang aking lahok — http://siteseer.blogspot.com/2008/06/dad.html
Dr Emer’s last blog post..Dad
June 18th, 2008 at 6:31 pm
Gandang Huwebes. ako’y nagbabalik. :)
napakadakila nyang biyenan. Saludo ako sa kanya.
Happy Father’s day sa kanya :)
Jeanny’s last blog post..LP# 12 Itay
June 18th, 2008 at 6:31 pm
syempre di pahuhuli ang tatay ko - Bagong Bayani - hehehe…
http://peterahon.blogspot.com/2008/06/ang-tatay-ko-bagong-bayani.html
salamat sa forum, tignan mo nga naman pinag-uusapan lang last week ngayon up na siya…
hmmm kapansin-pansin ba na puro LP na lang yata ang laman ng aking blog, well mukhang LP ang inspirasyon ko na mag-blog… sabi ko nga it a very enriching experience to be affirmed and notice thru LP.. di ba Buge and Lino…
o baka mapahaba sa forum na lang ang daldalan…
good wishes po sa lahat at maligayang Huwebes ang bilis ng araw isang linggo na rin pala ang nakakalipas ng lumisan ako sa Pilipinas…
June 18th, 2008 at 6:46 pm
Katakam-takam nga naman ang ’silog sa iyong kuhang larawan. Hindi nakakapagtaka na magustuhan nya yan. Magandang Huwebes sa lahat!
Heto po ang lahok ko: http://manillapaper.com/2008/06/lp-father-itay/
Reflexes’s last blog post..Reinventing
June 18th, 2008 at 6:51 pm
Isa syang huwarang ama at ama-in-loh :D nakakagutom naman ang paborito nya. gusto ko tuloy magmidnight snack.
Ang aking lahok ay isa sa mga pinakapaboritong litrato ko ng aking mag-ama. Kuha ito bago magxenical ang aking supling. Hehehe!
http://maver.wifespeaks.com/2008/06/lp-12-itay.html
Maligayang LP sa inyong lahat ngayong Huwebes na ito.
June 18th, 2008 at 7:06 pm
Ang galing naman ng ama ni Mr. Admin! paborito ang tocilog! talgang pinoy na pinoy, nakakatuwa! ang cute! maligayang Hwebes muli sa lahat! AT mabuhay ang mga AMA!!!
ces’s last blog post..LitratongPinoy#12: Ang Haligi [Pillar]
June 18th, 2008 at 8:17 pm
Ang galing namn ng biyanan mo at paborito pa tocilog or tipsilog.Ang sarap nyan.
Nakakagutom!
http://sweetagring.com
June 18th, 2008 at 8:36 pm
Na miss ko tuloy ang aking ama. Anyway, eto na po ang aking lahok. Happy Father’s Day ating lahat.
Chrys’s last blog post..“Itay”
June 18th, 2008 at 9:15 pm
wow..i can only imagine the stories he can tell, 2 world wars and a cancer - napakakulay siguro ng kanyang mga salaysayin
ang aking lahok ngayong huwebes na ito ay narito…
http://pinoyandpinay.com/KuroKuro/?p=25
June 18th, 2008 at 9:52 pm
Sarap naman kasi ng tapsilog at tocilog kaya talagang magugustuhan ng iyong byenan. Ang adobo naman ay talagang subok na na gusto ng mga non-pinoys.
Maligayang Huwebes!
June 18th, 2008 at 11:38 pm
Mainam siguro siya kausap, sa dami ng kanyang mga naranasan sa buhay. Napakaraming aral siguro ang mapupulot mula sa kanya.
At dahil gusto niya ang mga -silog, aba, kakaiba kesa sa mga ibang banyaga.
Nga pala, ang ganda ng bagong “look” ng LP
Heto po ang aking entry, ang aking asawa, nga lang nakatalikod kasama ang mga bata:
Tatay of my Children
julie’s last blog post..Tatay of my Children
June 19th, 2008 at 12:20 am
ako rin paborito ko ang tocilog!!! hehehe…
maligayang araw ng huwebes, nakahain na rin po ang aking lahok… :)
lino’s last blog post..itay…
June 19th, 2008 at 12:22 am
Ms Admin, tunay na kahanga-hanga ang iyong biyenan. Bihira lamang ang mga amang katulad niya. Kadalasan ay ang mga ama ay gumagawa lang ng mga trabahong “panlalaki.” Saludo ako sa kanya.
Hanga rin ako sa positibong pananaw niya sa kanyang sakit. Sana ay magwagi siya sa kanyang laban para marami pa siyang makaing tapsilog at tocilog. Yum!
Maligayang araw ng mga ama sa kanya at maligayang LP naman sa iyo!
Clicking Away’s last blog post..LP012 - Itay
June 19th, 2008 at 12:36 am
golden years na pag nakatungtong sa 80… sana biyayaan pa sya ng maraming taon sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.
Linnor’s last blog post..Itay
June 19th, 2008 at 12:54 am
eto pa ang aking isang lahok….
http://www.kathycot.com/2008/06/lp-itay.html
maligayang huwebes!
June 19th, 2008 at 12:59 am
masarap ang tocilog! naway mabiyayaan pa cia ng mahabang masasayang taon! :)
ito ang aking isa ko pang lahok
http://www.buhaymisis.com/2008/06/lp-itay.html
kathycot’s last blog post..wordless wednesday
June 19th, 2008 at 1:24 am
hello! ang sweet mo naman LP at ipinaghahanda mo sya ng kanyang paborito. :)
strawberrygurl’s last blog post..LP 12: Itay (Father)
June 19th, 2008 at 1:48 am
Kasarap naman ng tapsilog na yan, nakakagutom. Ang kanyang positibong pagharap sa sakit ay tunay namang nakakamangha. Saludo ako sa kanya.
Ang aking LP ay nakapost na rin, sana makadaan kayo:
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/06/itay-father.html
ShutterHappyJenn’s last blog post..Itay (Father)
June 19th, 2008 at 1:54 am
magandang umaga! ang sarap naman ng paboritong pagkain ng biyenan nyo.
maligayang huwebes sa lahat!
http://www.mysurfergirl.info/2008/06/litratong-pinoy-4-itay.html
June 19th, 2008 at 1:55 am
ang daming unos na pinagdaraanan ng mga ama… ngunit sila’y matibay at matatag! hanga ako talaga sa mga ama!
magandang huwebes sa’yo!
http://beybi-gurl.blogspot.com/2008/06/lp-12-itay.html
June 19th, 2008 at 1:55 am
ito naman ang aking ikalawang lahok. magandang huwebes! :)
busymom’s last blog post..LP 2: Itay (Father)
June 19th, 2008 at 1:57 am
Napakasuwerte mo at mabait si biyenan. nakakatuwa naman at kumakain siya ng lutong pinoy. bihira sa dayuhan ang ganyan.
Maligayang araw ng mga tatay sa lahat ng tatay! :)
June 19th, 2008 at 1:57 am
ang ganda ng bagong look ng LP ha! i like it! :D nakapost na po ang aking lahok! happy huwebes ^_^.
ettey’s last blog post..KALAYAAN NI ITAY
June 19th, 2008 at 2:37 am
dakila talaga ang mga ama :)
salamat talaga sa kanila!
June 19th, 2008 at 2:48 am
Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng ama! Masarap ng hilig na pagkain niya ah!
Eto ang aking lahok sa linggong ito:
http://www.chartherct.com/2008/06/19/litratog-pinoy12-itay/
Tere {Blessings in Life}’s last blog post..Colorful Afternoon Sky
June 19th, 2008 at 2:53 am
sarap naman ng paboritong pagkain ni itay! :)
magandang huwebes sa lahat!
http://www.wifeynibangis.com/2008/06/litratong-pinoy-10-dada.html
June 19th, 2008 at 3:17 am
happy father’s day to your FIL.
mine’s up too.
http://pixelminded.blogdrive.com/archive/3.html
June 19th, 2008 at 3:19 am
Nakasali uli ako salamat :)
http://www.aggietha.com/2008/06/19/lp-12-itay/
Aggie’s last blog post..LP 12: Itay
June 19th, 2008 at 3:51 am
parang nawala yata ang una kong komento.. masarap ang tapsilog na inihahanda mo para sa iyong FIL. sigurado akong napapalit sya sa iyo lalo sa pag-aalala mo. :)
strawberrygurl’s last blog post..LP 12: Itay (Father)
June 19th, 2008 at 4:21 am
Medyo mahirap para sa akin itong tema na ito. :(
anyway, belated happy father’s day sa mga tatay diyan. :)
June 19th, 2008 at 5:03 am
nagutom ako sa pagkain. nakakatuwa naman na isang dayuhan eh nagustuhan ang ating silog series. hehe mukhang napakabait ng FIL mo.
gandang araw ng LP sa inyo! up na po ang entry ko.
haze’s last blog post..LP#12: ITAY
June 19th, 2008 at 6:14 am
parang napaka-amo naman ng mukha ng iyong itay. :) sana biyayaan pa siya ng mas mahabang buhay para makakain ng mas marami pang tapsi-tocilog. :D
MyMemes: LP Ama
MyFinds: LP Ama
Meeya’s last blog post..LP12: Ama
June 19th, 2008 at 6:43 am
Sarap ng Tapsilog at Tocilog!
http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/06/itay-father.html
ShutterHappyJenn’s last blog post..Itay (Father)
June 19th, 2008 at 6:59 am
first time ko pong makisali rito.
sana’y malampasan ng iyong biyenan ang pinagdadaanan niya ngayong hirap. napakabuti nyang ama. :)
mabuhay nga ang mga ama! ^^
June 19th, 2008 at 7:37 am
pinoy at heart si biyenan mo :) mabuhay ang mga tatay!
up na po sa akin :)
June 19th, 2008 at 7:51 am
Para sa itay ng buhay ko!
http://www.stripeatyellow.com/2008/06/litratong-pinoy-5-itay.html
June 19th, 2008 at 9:09 am
nagutom naman ako sa peborit pud ni tatay.
http://alphadf.com/2008/06/18/lp-itay/
alpha’s last blog post..Confessions.
June 19th, 2008 at 9:11 am
Nakakatuwa at pinoy na pinoy ang iyong biyenan pagdating sa pagkain. Bilib ako at na-train mo ang kaniyang panlasa. :D
Narito na ang una kong lahok: Bagong Ama
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #12: Ama
June 19th, 2008 at 9:15 am
ang gandang lalaki ng iyong biyenan. dasal kong malabanan niya ang kaniyang sakit. nawa’y pagpalain pa siya lalo ng Diyos.
Ito ang pangalawa kong lahok: Magkalaro, Magkaibigan, Mag-ama
Mapped Memories’s last blog post..LP #12: Ama (Father)
June 19th, 2008 at 10:21 am
Ang amang walang katulad. Tunay nga, walang katulad ang ating mga ama. At napakapalad mo at nagkaroon ka ng mabuting biyenan at ganun din sya…mapalad sya at nagkaroon sya ng ubod ng bait at responsabling manugang (tama ba Misis?)hehehe. Nawa’y madalaw nyo rin ang aking lahot sa linggong ito.
kerslyn’s last blog post..Litratong Pinoy: Itay
June 19th, 2008 at 10:24 am
Maligayang pagbati sa mga Ama!!!! Sana ay patuloy ninyong itaguyod ang inyong mga pamilya. At mga misis, wag pasaway sa mga asawa…hehehe.
Ang aking lahok ay nai-post ko na po. Sana ay maibigan ninyo.
Kerslyn’s Comfort Zone’s last blog post..Litratong Pinoy: Itay
June 19th, 2008 at 10:43 am
Happy Father’s day po sa lahat ng ama na miyembro ng LP at sa inyong mga ama rin! :)
Ang featured father ko naman ay hindi ko kamag-anak, eto sya:
http://www.thesserie.com/itay-vader-for-litratong-pinoy-12/
ipagpaumanhin nyo sana pero male-late lang ang pagdalaw ko sa blogs nyo :)
June 19th, 2008 at 11:33 am
sarap naman ng ’silog! pinoy na pinoy na nga si Tatay!
narito po ang lahok ko:
http://littlekitestudios.blogspot.com/2008/06/lp12-itay.html
medyo male-late din po ko sa pagdalaw sa mga kalahok gaya ni thess, pero siguradong iikot po ako :)
teys’s last blog post..LP#12 - Itay
June 19th, 2008 at 12:56 pm
Ang aking unang kalahok sa Litratong Pinoy…
http://www.arcskyline.com/caryl/2008/06/lp-itay/
happy fathers day to all!
June 19th, 2008 at 2:36 pm
Hu-waw ang sarap ng tosilog!!
Belated happy father’s day sa lahat ng mga tatay! =)
colby’s last blog post..LP #12 Itay
June 19th, 2008 at 4:20 pm
Magandang Huwebes! salamat naman at umabot ako sa pagpost ngayong huwebes na ito :)
korky’s last blog post..LP #12 Itay
June 19th, 2008 at 4:40 pm
wow! nakakatuwang isipin na nagustuhan niya ang pagkaing Pinoy.
Ito naman ang sa akin
http://pinaylighterside.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy5-ama.html
Marites’s last blog post..Litratong Pinoy#5 - Itay
June 19th, 2008 at 5:45 pm
magandang gabi, LP! mejo malungkot ang kwento ko tungkol sa aking itay. mejo nahirapan ako sa proyekto natin ngayong Huwebes na ito…
http://aborrowedlife.wordpress.com/2008/06/19/lp-12-itay-dad/
jerome aka bridget jones’s last blog post..LP # 12: Itay (Dad)
June 19th, 2008 at 6:02 pm
Nakaka gutom ang larawan, gusto kong mag midnight snack tuloy. Heto naman ang aking mga lahok http://www.mariegvergara.com/?p=409 at eto pa http://vanidosa.blogspot.com/2008/06/lp12-itay.html
June 19th, 2008 at 6:26 pm
maligayang araw ng mga ama sa iyong biyenan! nakakatuwa naman na mahilig siya sa tapsilog!
narito naman po ang aking ama….
http://fairywinkle.blogspot.com/2008/06/litratong-pinoy9itay.html
fortuitous faery’s last blog post..gatorade asteroid and giant needle
June 20th, 2008 at 12:20 am
swerte ka sa iyong byenan at mabait sya.. ako din hehe.. swerte nating dalawa.. yahoo..
me forum na pala..wow..
eto sa akin.. late again wahh.. huli man daw at magaling… huli pa rin wahh
http://revolutionmotion.com/?p=1096
June 20th, 2008 at 4:30 am
parang mejo nagiging busy ang mga tao ah. konti pa lang ang comments :(
eto pala ang aking akda para sa temang itay: http://kennykerol.blogspot.com/2008/06/lp-itay.html
napakasaya kung ika’y sinuwerte sa mga in-laws ano?
kudos sa forum
carol bustos-santiago’s last blog post..LP Itay
June 20th, 2008 at 12:49 pm
huli man at magaling ay naihahabol din.
ito po ang aking lahok — http://www.joarduo.com/2008/06/litratong-pinoy-4-itay.html
June 21st, 2008 at 6:45 am
hello mga ka LP nagdaan na naman ang huwebes at huli na naman ako. sana ay hindi ako tangalin sa pagiging late ko :D
awww ang swerte nyo naman po sa manugang nyo :D
ito nga po pala ang akin lahok para sa LP# 12
http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=62
Maligayang araw sa inyong lahat :)
June 21st, 2008 at 6:47 am
nga po pala ang ganda mo ng bagong theme ng LP at congratulation sa forum sasali ako dyan ofcourse!
June 21st, 2008 at 6:48 am
ay mali yung link ito po pala http://snapies.scarty.com/index.php?showimage=63 paumanhin sa aking katangahan

June 21st, 2008 at 9:48 am
Nakaka gutom ang larawan, gusto kong mag midnight snack tuloy. Heto naman ang aking mga lahok
http://www.mariegvergara.com/?p=409
at eto pa
http://vanidosa.blogspot.com/2008/06/lp12-itay.html
vanidosa’s last blog post..LP#12: Itay
June 22nd, 2008 at 11:17 am
late na ako magco-comment dito! pasensha na, busy talaga buong linggo. pero salamat sa wordpress na pwedeng mag-schedule ng post, nakahabol ako nung thursday kahit nasa laguna ako :)
belated happy father’s day sa lahat ng inyong mga ama ng tahanan. nandito po ang aking entry: http://www.naptimerocks.com/2008/06/19/itay-lp/
sana lahat ng nasa pinas ay safe and sound ngayong linggo! (may bagyo kasi)
iris’s last blog post..Frank
June 22nd, 2008 at 11:18 am
shempre nalimutan ko ilagay yung comment ko sa entry ngayon. :) tingin ko magkakasundo kami ng iyong dad-in-law. paborito ko rin yang tapsilog! hehe.
iris’s last blog post..Frank
June 23rd, 2008 at 8:47 am
nakakamiss ang silog-silog ng pinas!! paborito ko ito lalo na kapag kami ay nag-o-overnight para tapusin ang thesis nung college. motivation namin ito para hindi kami makatulog sa madaling araw at para tapusin na rin ang thesis.
ang cool naman ng dad-in-law mo. mahilig sa silogs.
ito naman ang lahok ko: http://waltzco.multiply.com/journal/item/14/LItratong_Pinoy_12_Itay
June 24th, 2008 at 8:09 am
narito ang aking lahok.. http://www.amazingsincebirth.com/2008/06/litratong-pinoy-itay.html
June 25th, 2008 at 9:27 pm
Wow sarap naman ng paboritong pagkain ng iyong tatay, tapsilog..kakamiss naman ng pagkaing pinoy.
Narito po ang aking lahok. http://luminosity.kadyo.com/?p=13
June 27th, 2008 at 12:45 pm
Parang gusto ko tuloy ng tapsilog. :-)